Ginunita ang Gabi ng Pagkamartir ni Lady Fatimah Bint Rasul'Allah (sa) sa Presensya ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon.

24 Nobyembre 2025 - 22:31

Ayon sa Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA24 :- Ginunita ang Gabi ng Pagkamartir ni Lady Fatimah Bint Rasul'Allah (sa) sa Presensya ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon.

Kasabay ng ikaapat na gabi ng mga seremonya ng pagdadalamhati sa Hussainiyah Imam Khomeini (ra), ginanap ngayong gabi (Lunes ng gabi) ang seremonya sa pag-alala sa gabi ng pagkamartir ni Hazrat Fatima al-Zahra (sa) sa presensya ng Pinuno ng Rebolusyong Islamiko, kasama ang libu-libong tagapagluksa at mga dumalo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Sa talumpati ni Hujjat al-Islam wal-Muslimin Masoud Aali, ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng ma‘ruf (mga ipinapayo at mabubuting gawa) at munkar (mga ipinagbabawal at mapanirang asal) na may taglay na malalim na impluwensya sa lipunan at higit pa roon—sa larangan ng Jibhat al-haqq (Ang hanay ng katotohanan). Binanggit niya na sa pamamagitan ng gawa at pananalita ni Lady Fatimah (sa), Kanyang pinangalagaan ang pinakamahalagang “ma‘ruf” ng panig ng katotohanan, walang iba kundi si Amir al-Mu’minin Ali ibn Abi Talib (as). Gayundin, sa Kanyang pagtutol at pagpigil sa pinakamataas na anyo ng “munkar”—ang paglihis mula sa landas ng wilayah—siya ang naging “Tagapangalaga ng Hanay ng Katotohanan.”

Sa naturang seremonya, habang si Ginoong Hajj Mahmoud Karimi ay nag-alay ng mga martiriyong himno at panaghoy (noha) sa pagdadalamhati kay Hazrat Siddiqa at-Tahhirah (sa).

1404/9/3.

................

328

Your Comment

You are replying to: .
captcha